Sa Lalong Madaling Panahon

Kanina sa klase, napag-usapan namin ang iba't-ibang kaso ng "bullying". Bahagi ito ng aming talakayan patungkol sa Anti-Bullying Act of 2013. Sa ilalim ng batas, itinuturing na bullying ang, "any severe or repeated use by one by one or more students of a written, verbal or electronic expression, or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile environment at school for the other student; infringing on the rights of the other student at school or materially and substantially disrupting the education process or the orderly operation of a school."

Lubos na nakakalungkot na marinig ang mga kasong naging biktima ang mga mag-aaral na ito. Ngunit lubos na nakalulungkot ang mga kasong hindi naresolba at hindi nabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Dalawang key takeaways ang nakuha ko mula sa mga kwento nila:

  1. Uusad lamang ang hustisya kung may matibay na will ang mga constituents ng anumang institusyon.
    Marahil malaking salita ang "Hustisya" at nararapat na pag-usapan lamang ito sa mga malalaking korte. Ngunit para sa mga batang nakararanas ng bullying, big deal ito lalo kung ito ay nareresolba sa lalong madaling panahon. Ang mga batang ito na may malabo pang konsepto sa formal procedures sa pagresolba ng mga kaso ay dapat na ginagabayan ng kanilang mga guro o ng sinumang tao nasa kinauukulan. At dapat, ang mga taong ito ang nag-iinitiate at nagfo-follow-up na umusad ito sa lalong madaling panahon. Isipin na lang kung ano ang epekto nito sa mga batang biktima - na sa bawat araw na lumipas ay iisipin nila kailan ito mareresolba at matitigil ang pambubully sa kanila. Ang masakit nito, pupunta sila sa susunod na baitang nang walang ideya kung ito ba ay naging priority ng eskwelahan o hindi. Habang buhay nila ring iisipin kung kailangan na rin ba nilang mag-move on sa kabila ng pag-hang sa kanila ng mga tao sa taas.
  2. Tumatatak sa biktima ang bullying
    Kahit nasa elementarya pa sila, dala-dala nila hanggang ngayon ang mga pagkakataong nabully sila ng mga kaklase o kakilala nila. Mga pagkakataong sila ay na-name call, kinukuhaan ng baon o pera, tinutukso - ang mga ito ay nagiging trauma sa kanila kung kaya't mahirap din na ikwento nila ito sa iba. Sa dami ng mga instances na ito, ang mga kwentong resolved cases ay maluwag nilang naibabahagi at naipagmamalaki sa kanilang mga kaklase. 
    Sa kabilang dako, napansin ko ang kagustuhan nilang makamit pa rin ang hustisya sa mga panahong iyon. Alam din nila kung ano at saan nagkaroon ng delay sa pagresolba. Aware din sila kung ano ang mukha ng hustisyang nais nilang makamit. Kung bibigyan sila ng pagkakataon, babalikan nila ito lalo't nasa tamang edad at pag-iisip na sila.
Hindi ko na para ikwento ang mga tala nila. Pero isa itong paalala sa akin, kapwa guro, at admin, na ang hustisya ay para sa lahat -  maliit man yan sa paningin ng iba, ay dapat na binibigyan ng prioridad sa pag-usad sa lalong madaling panahon.

Mga Komento