Mga Post

Marami Pa Akong Dapat Ayusin

Kamakailan, natanong ko ang isa kong officemate—random lang—kung ramdam na ba niya ang pressure sa buhay. Twenty-seven na siya. Ako, twenty-six. "Hindi naman," sagot niya, kalmado. Parang okay lang ang lahat. Parang hindi pa kailangang magmadali. May isa pa akong officemate na minsang, sa isang kwentuhang hindi rin sinasadya, naibahagi ang bigat ng pinagdaraanan niya: problema sa pamilya, sa pag-ibig, sa pera. Twenty-five siya. Aminado siyang may pressure siyang nararamdaman, dahil sa pakiramdam na malayo pa siya sa kung saan niya gustong makarating. Na marami pa siyang kailangang ayusin. Na marami pa siyang kailangang buuin. Ang girlfriend ko, twenty-eight—at hindi random—ay aminado ring may dalang pressure: pressure na dapat settled na, may ipon, may direksyon, kahit papaano ay nakakaramdam ng kaunting luwag sa buhay. Katulad ko. At ngayon, papalapit na ang edad na trenta. Ilang taon na lang. Halos sabay-sabay kami ng mga ka-batch ko sa paglalakad patungo roon—dahan-dah...

Sa Lalong Madaling Panahon

Parang Tao ang mga Aso