May apat na uri raw ng romantic love: Puppy love, ang "love" na naramdaman ng isang elementary na tinuturing daw na first crush o yung naramdaman mo kapag; First love, ang "love" na naging dahilan ng una mong hindi pagkatulog sa gabi dahil kakaisip sa kanya; Great love, na sa madaling salita ay TOTGA (The One that Got Away) - P@KY*!; at ang huli ay True Love, ang best type of "love" kuno.
"It is patient, it is kind. It does not envy, it does not boast, and it is not proud. It does not dishonor others, and it is not self-seeking. It is not easily angered, and it keeps no record of wrongs."
Gayunpaman, ang lahat ng uri ng pag-ibig na ito ay mapanglimita at overrated sa tatlong lebel.
MALIIT NA SUBSET SA MALAWAK NA SUPERSET
Sa Matematika,
"If set A contains set B, then A is said to be the superset of B. If set A is contained in set B then A is said to be the subset of B."Maraming pwedeng isipin. Maraming bagay ang mas nagma-matter kumpara sa ideya ng romantic love.
ANG ROMANTIC LOVE AY "GAWA-GAWA LAMANG NG LIPUNAN"
Isang dahilan kung bakit kalokohan ang romantic love ay dahil binibigyan natin ito ng kahulugan na ang tao ay may takdang nakatadhana. One to one relationship, ikanga. Pero kung iisipin, ang mga tao ay kinumpol lamang ng timing, bahagyang pagkakahalintulad (e.g. kung Eduk ang kurso mo, may tiyansa na maging isa kang guro kung kaya't ang makakasama mo sa trabaho ay guro rin) o kaya anumang bagay na may kinalaman (kahit na maliit) sa field na napili niya (e.g. kung musikero ka, may tiyansang ma-in love ka sa isang nagtitinda ng balut - after ng gig, siyempre lalabas ka at magpapapatid ng gutom), at proximity (i.e. kung sa Laguna ka nagtatrabaho, makakatagpo ka talaga ng taga-Laguna). Nagkakaiba lamang ang mga miyembro niyo sa personalidad at pamilyang kinalakihan.
Mula sa pinagsama-samang mga estranghero, ang tao ay pipili ng tatagurian niyang "the best among the rest". Pumipili lamang ang tao sa listahan ng mga maaari niyang bigyan ng label na "destiny". Kung sino ang pinakaswak sa standards niya ay siya ang mag-uuwi ng korona. Ang wala sa radar, better luck next time na lang o try harder.
Para mas maipaliwanag ang ideyang ito, gawin nating halimbawa si Pia Wurtzbach - isang beauty queen. Malaking posibilidad na ang makakatagpo niya ay ka-edad niya na lamang na nakadaupang palad niya (timing). Maaaring ang makakatuluyan niya ay nakilala niya sa pageant, nakasama sa mga kaganapang sinasagi ng field na napili niya (anumang bagay na may kinalaman sa field). At malamang, kung saan malapit naninirahan si Pia ay malapit lang din sa ginagalawan niya ang makatatagpo niya (proximity).
Kaya posible na magkatuluyan ang isang tricycle driver at ang pasaherong lagi niyang inihahatid. Timing? Madalas ka ba namang ihatid sa paroroonan mo. May kinalaman sa field? Wala naman, pero kung isa kang miyembro ng working class, ay sigurado namang sasakay ka ng tricycle papunta sa pinagtatrabahuhan mo. Proximity? Eh may TODA 'yang mga yan, paanong hindi pa magiging proximal yan.
Sa huli, mapapa-put@nG-in@ ka na lang sa konsepto ng romantic love na kadalasan ay naiuugnay natin sa destiny. Hanggang sa magpakahunghang ang tao sa nararamdaman niya, pero in a sense, yung taong binigyan niya ng label na soulmate ay bumabagsak lamang sa tatlong kategoryang ito.
MAY MAS MATIMBANG PA SA ROMANTIC LOVE
Ang punto ko, hindi romantic love ang sagot sa uhaw mong puso at katawan. May iba pang uri ng pag-ibig na maaari pang pagtuunan. Pag-ibig sa barkada o kaibigan (philia), pagmamahal sa sarili (philautia), pagmamahal sa pamilya (storge), at ang pinakapaborito ko sa lahat - na pinakamataas na uri ng pag-ibig ayon kay Gat Andres Bonifacio.. ang pag-ibig sa bayan."Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at pagkadakilaGaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala."
Malawak ang pag-ibig sa bayan, ang romantic love ay limitado sa paraan na ang pag-ibig ay nakadirekta lamang sa isang tao. Gayundin ang pag-ibig sa kaibigan, at sa pamilya. Kung ang argumentong ipupukol ay makasarili din ang pag-ibig sa sarili (sa kadahilanang sa sarili lamang ito nakatuon), malaking pagkakamali ito.
Ang pagmamahal sa sarili ay katulad ng butong ipinunla sa lupa. Nararapat na diligan (hindi yung berdeng dilig), paarawan, bisitahin, kausapin o anumang porma ng pag-aalaga. Sa oras na ito ay yumabong na ay handa na nitong punan ang gutom na nararamdaman o pangangailangan ng iba. Sa madaling salita, malaki ang maibubungang oportunidad ng pag-ibig sa sarili dahil sa huli ay may kakayahan na itong magmahal sa kapwa na hindi lamang limitado sa isang tao.
Kung bibisitahin ang mundo ng Reddit at Quora, maraming mga dahilan pa ang mababasa kung bakit overrated ang romantic love. Marami na rin ang binigo nito. Ang sulating ito ay pagpapaalala na may mas malalaking bagay pa na maaaring pagbalingan nang higit kumpara sa nasabing uri ng pag-ibig na isa namang b*ll$h!t.

Nice blog. Keep it up. :)
TumugonBurahin