Kamakailan, nagsusulputan sa Facebook ang mga balitang pagpanaw ng ilan sa mga taong nakadaupang palad ko - may ilang malalapit sa buhay at may iba namang kalapit-empleyado (i.e. mga taong may koneksyon sa mga naging katrabaho).
Nakalulungkot isipin na sa kabila ng kabutihang naidudulot nila sa kanilang paligid, eh napapaaga ang expiration nila sa mundo. Di tulad ng mga pagkaing nabibili sa supermarket, nalalaman natin kung hanggang kailan lang magiging sariwa o ligtas ang mga ito. Sa kanila, biglaan. Kung may senyales man, ito ay maaaring sakit o disgrasya sa operasyon.
Mula sa mga kaganapang ito, kahit papaano nabigyan ako ng pagkakataon na magtanto sa mga bagay na nagawa ko sa mundo; magtanong:
Ano kaya ang nararamdaman ng tao kapag malalagutan na siya ng hininga?
Mayroon bang device na magdedetermina kung sino ang huling pumasok sa isip niya?
May pangitain ba talaga na mamamatay na ang isang tao?
- at lumipad sa mga posibilidad na..
Ilang araw kaya ako aalalahanin ng mga taong nasa paligid ko mula sa araw ng pagkamatay ko?
May welcome message ba ang langit ng sa katulad ng sa The Good Place?
Totoo kaya ang impyerno? Paano kung semi-mabait at semi-masama ka? Totoo kayang may ligtas points?
Gayunpaman, kung darating man ang araw ng expiration ko, nais kong maalala ng mga tao sa paligid ko sa mga sumusunod na aspeto:
1. na nakapagbitaw ako sa kanila ng offending/off na jokes;
2. na nagawa kong makipag-heart to heart talk sa kanila;
3. na nagtrabaho ako nang maigi at pinaramdam kong di ko sila iniwan sa mabibigat na pagkakataon pagdating sa trabaho
Kung dumating na ang araw ng hukom, di ako natatakot. Kontento na ako sa mga bagay na nagawa ko sa mundo - mapamasama o mabuti. Naging masaya ako na naging tao sa mundo.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento