Limang taon pagkatapos ng graduation mula sa kolehiyo, kaya ko nang ilista ang ilan sa mga napansin kong pagbabago sa aking pamumuhay at pangarap. Mas minabuti kong ilista na lamang ang mga ito sa pamamagitan ng talahanayan kung ano ang nagbago mula noon at ngayon batay sa pamantayan na itinakda.
|
|
NOON |
NGAYON |
|
Kakayahang
magsulat |
Mas
nakakapagsulat sa tahimik na lugar. Walang bumubulabog at walang kumakausap
habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip. Tipong nasa kulob at dapat walang maririnig
na kaluskos na likha ng mga nasa paligid. Sarili ang source ng ingay. |
Mas
komportable na sumulat sa maingay at magalaw na lugar. Dapat karamihan sa
nakikita ko ay gumagalaw na pwedeng obserbahan. Yung may pagtawanan at isipin
kung bakit ganoon ang tendencies ng mga tao. Mas malakas din ang tugtog, mas
okay. |
|
Kapasidad sa alak |
Kayang umabot
ng umaga habang umiinom ng gin at banlaw ng beer. Hindi ramdam yung pagod sa
klase dahil ang alak ang pahinga. |
Hindi na
kayang mag umaga at mas okay kung beer na lang ang iinumin. Ramdam na yung
pagod kaya ang alak ang solusyon para makatulog nang mahimbing. |
|
Kapasidad ng katawan
sa pagod |
Pumapasok sa 7
AM na klase at buhay pa hanggang 12 AM kinabukasan o madaling araw pa para
umattend ng meetings. |
Di na kayang pumasok
ng maaga. Pagod na pagdating ng hapon. Kapag gabi na, lupaypay na at mas
maaga nang dapuan ng antok. |
|
Paraan ng pagpunta
sa lugar na may isang kilometrong layo (halimbawa lang) |
Kayang
lakarin at ibubuhos ang pahinga kapag nakarating na sa paroroonan. |
Tinatamad
nang maglakad dahil mas iniisip na ang masasayang na oras kung lalakarin. Sa
halip, magta-tricycle o taxi kung wala na talagang choice.
|
|
Haba ng tulog |
Full
battery ang katawan kahit na 2 oras na tulog. Bawi na lang sa susunod na
araw o sa makalawa. |
Sapat ang 6
na tulog para masabing full battery ang katawan. Mas ramdam yung pagod
kapag binabawi yung tulog. |
|
Kagustuhang
mag-aral |
May option
na mag-aral pero mas lamang ang paggawa ibang bagay na may kinalaman sa org,
umubos ng oras sa tambayan para makipagkwentuhan, mag-phone, mag-ML,
magsugal. |
Halos maapakan
na ang option ng pag-aaral dahil sa pagod kaya hindi na kaya. Daming interesanteng
paksang pwedeng pag-aralan pero kumukupas pang matagalan ang kagustuhan dahil
walang oras. |
|
Choice sa Kape |
Pwede na ang
3 in 1 na kape o kaya coffee stick tapos maraming asukal. |
Brewed coffee
ang mas madalas na iniinom. Pag wala nang choice, dun lang magti-3 in 1. Syempre
marami pa rin ang asukal. |
|
Pangarap sa
Buhay |
Makapagturo
sa liblib at malalayong lugar. Mas maaga, mas Maganda. Maging full time
manunulat sa senior years. |
Ganun pa rin
naman pero mas maaantala lang. |
|
Choice of
Music |
Pop. Basta yung
groovy shit. |
Rock. Pwede
ring Sunday vibes na tugtugan. |
|
Pagpili sa
Pagkain |
Hindi
kumakain ng gulay. Kung kakain man ng gulay, dapat side dish lang. Meat at
carbs lang kung alinman ang pasok sa budget. |
Kumakain na
ng gulay. Mas iba ang pakiramdam kapag nakakakain ng gulay kaysa sa puro meat
at carbs lang. On the way na siguro ang pagkain ng prutas. |

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento